Monday, December 11, 2006

Kaya Kong Magbitiw ng Bitter Words

ni Mark Angeles


Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.
Mag-scribble-skribulan halimbawa: "Ang gabi ay pilantod
at nangangalantutay, bugbog-sarado, ang mga bituin sa malayo.
Paruo't parito ang hangin at ngumangawang parang baka.

Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.
Labs ko sya, at minsan daw labs nya rin ako.

Sa mga gabing tulad nito, nilalamas ko sya sa aking kandungan.
Nilalaplap ko sya sa silong ng marvelous na kalangitan.
Labs nya ko, at minsan labs ko rin sya.
Panong di ko mamahalin ang malalaki't bilugan nyang mga mata--
parang pugita?

Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.
Imagine kong wala sya sakin. Ma-feel kong na-lost ko na sya.

Mapakinggan ko ang gabing OA, mas lalong OA dahil wala sya.
At ang talinhaga ay dumidila sa malay tulad ng hamog sa talahib.
Ano pa bang meron dyan, Ineng, kung hindi sya mapapasaakin?
Period. Sa malayo, may ngumangawa. Sa malayo.
Aburido ang multo ko sa pagkawala nya.

At para bagang nandyan lang sya sa tabi-tabi, hinahanap ko pa sya.
Hinahanap sya ng puso ko, kapag wala sya sa tabi ko.
Ang gabi ring ito'y nagkukulapol ng dirty white sa mga troso.
Hindi na kami ang dating kaming kami.

Hindi ko na sya labs, pramis, pero labs na labs ko sya dati.
Hinahagilap ng hininga ko ang hangin para bugahan sya.

Nilalaplap na sya ng iba, tulad ng paglaplap ko sa kanya.
Ang boses nya, ang seksi nyang wankata, ang for layp nyang mga mata.

Hindi ko na sya labs, pramis, pero medyo labidabs ko pa rin sya.
Maigsi lang ang lablayp ko pero ang makalimot,
sangkatutak na 50 golden years ang inaabot.

Dahil sa mga gabing ganito nilalamas ko sya sa aking kandungan,
Aburido ang multo ko sa pagkawala nya.

Kahit ito na ang last chance ko para magmaasim
at ito na rin ang huling chuminess ko sa kanya.

Friday, September 08, 2006

Pan Pil 12 (1st Sem 0607); Midterms

Stud. No.

Grade (100)

05-32190

70

05-44225

46.5

04-14965

54

05-48863

48.5

05-21886

60

05-37451

63.5

05-33753

65.5

04-00240

47

03-45093

50

03-45093

49

04-78315

43

00-13248

50

05-04694

45.5

04-04623

53.5

05-38606

61

06-78004

64

05-10989

40

04-00649

57.5

05-24015

43

05-11077

68.5

03-32902

43

05-10422

70

03-35049

51

04-79207

50

05-79238

37

05-04774

67

06-78756

50

06-03105

61.5

05-09086

56.5

05-16462

38

06-30171

35.5

04-33414

47.5

05-05217

53.5

Wednesday, October 12, 2005

Submit Na!

Publikasyong Iglap ng Maikling-maikling Kuwento Hinggil sa Karahasan sa Kilusang Manggagawa

Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga maikling-maikling maikling kuwento o dagli na tumatalakay sa lalo pang paparahas na kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Sa partikular, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay at tumutuligsa sa brutal na pagpaslang kay Ka Fort ng unyon ng Nestle at sa iba pang mga manggagawa at kilusang manggagawang kumakaharap ng pagsasamantala ng mga kapitalista. Gayundin, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay sa patuloy na pagwelga at paglaban ng unyon at mga manggagawa ng Nestle at ng iba pang kolektibong laban ng mga unyon at manggagawa. Ito ang susunod na lalamanin ng espesyal na isyu ng Publikasyong-Iglap.

Ang Publikasyon-Iglap ang kagyat na pagtugon ng mga manunulat hinggil sa kaganapan sa ating bansa. Nauna na na nitong inilathala ang Pakikiramay (2004, pagpugay sa mga biktima ng masaker sa Hacienda Luisita) at Truth and Consequence (2005, koleksyon ng tula sa kampanyang Oust Gloria!).

Maaaring magpadala ng isang maikling-maikling kuwento kada awtor. Maximum ng tatlong pahina, doble espasyo. Ipadala kasama ang maikling bionote o writer's profile at kontak na mga numero sa mangiglap@yahoo.com at/o mangewan@gmail.com. Para sa mga katanungan, magpadala ng email kina Rolando Tolentino, Joey Baquiran at/o Mykel Andrada o di kaya'y kumontak sa 0915-4413324 at/o 0919-6384488.

Ang deadline ay sa Nobyembre 15, 2005.

Friday, April 22, 2005

Magsumite Na! Lit App Folio

UPWC//LITAPP 2005 CALL FOR SUBMITS

nagbabalak ang UP WRITERS CLUB na maglabas ng kanilangliterary folio, the first in TWELVE FUCKING YEARS,man, kaya, putsa, EVENT 'to, pare. magpasa ng PINOY oINGLES na mga akda kay Jun Cruz Na Ligas, sa kanyangeMail address na juncruznaligas@gmail.com at ke CarlJavier na rin, sa eMail niyang carl.javier@gmail.com. para koey, para masaya, para marami.

wala naman ata 'tong tema, pero kung ako angtatanungin, panalo sana kung panay mga akdang palaban,in the sense na, nilalabanan niyo 'yung mga haligikumbaga, 'yung papataubin ang estante ng panitikangpilipino, kung ano man ibig sabihin n'un sa inyo. gayakunwari nung akda nung isa sa mga nakapagbigay na, natungkol sa LITERARY MAFIA at PADRINO SYSTEM, amongother topics; at 'yung isa naman, tungkol sa PROSESONG PAGTUTURO NG PANITIKAN SA PILIPINAS, mga metapoetryna hindi lang pagsusulat ang tinitira, kun'di angbuong mundo na ng panitikan at pagsusulat sapilipinas. HOLISTIC COLLECTION sana ang gawin natin,lahat ng related topics dito, subukang gawan ng akda,gawan ng kumento, 'di ba? para solid.

'yung tipong, NONREQUIRED READING siya, ANTI-THESIS ngmga ibang LITERARY JOURNALS na naililimbag sa kungsaan-saan, mga kuwentong kabaklaan na masaya, mgakalesbiyanahan na positive ang ending, mga kuwentongkamachuhan, mga babaeng binubugbog at gumaganti peropinapakulong, mga kuwentong hango sa buhay ng mgataong 'di pa ipinapanganak, mga hango sa paboritingmga kanta o idolong manunulat na hapon, lahat ngpuwedeng maisip at 'di-maisip pero kayang maisulat,mga kuwentong 'di papasa ke Paolo Manalo o sa Palancao sa Tinig.com o sa Women's Weekly, mga 'di momakikita sa website ni Ian Casocot, mga mababasa molang sa blog-blogan, pakipasa pakipasa pakipasa.

mga tula't kuwento, parehong okey, pero sana ilimitanatrin ang mga sarili sa iilang pahina lang, mgatatlo, ganun, kasi kapos tayo sa espasyo, unless maymagbigay ng malakilaking pera sa librong ito, paradumamidami at kumapalkapal naman ang LITAPP. meronbang makakapagbigay ng pera sa amin? i-eMail dinkaming dalawa ni Carl, at mag-usap tayo. at mga komiks din, welcome, mga kantang naisulat,lagyan natin ng chords at tabs, gaya ng SATAN RULES oSHIELA DOESN'T LIVE HERE ANYMORE ng Easy Fagela AndThe Forces Of Evil, na sana ibigay nila, at lagyan ngchords, para kakaiba. basta, 'yung mga palagay mo ay'di pa naiaadress nang maayos, o 'di pa naiaadress atall, gawan niyo ng kuwento, ng tula, ng malikhaingakda na makakapagpabago ng buhay ng mambabasa;

'yungtipong makapagbibigay sa kanila ng panibagong mgaideya at pananaw sa buhay. ang THOUGHT-PROVOKING nganaman ay mga bagay-bagay na kikiliti sa mga tao paramakapag-isip ng mga bagong ideya, hindi paguulit ngmga ideyang alam na nila. kaya ayunh, pakipasa na lang ke Carl Javier sa carl.javier@gmail.com at kay Jun Cruz Na Ligas sa juncruznaligas@gmail.com sa RTF o JPGs kung may mgalitratong gustong ilagay. pakipasa 'to sa lahat ngkakilala ninyo, kahit 'yung mga tipong 'di nagsusulato 'di na nagsusulat, baka makapagsulat sila uli, obaka subukan na nila biglang magsulat dahil sapangungulit ninyo, basta.

HULING ARAW NG PAGSUSUMITE: MAYO UNO TWO THOUSAND LIMA

salamat!!
- HAWTHORNE MARCOS,
IIIPilipinong Patnugot

Saturday, April 16, 2005

Attn: DFPP Graduating Students Abril 2005, URGENT

ATTN: DFPP GRADUATING STUDENTS, ABRIL 2005, IMPORTANTE AT URGENT!

Sa mga estudyante ng DFPP ng UP Diliman na magsisipagtapos / gagradweyt ngayong Abril 23 (Sabado), mangyaring dumalo sa isang Pulong sa Abril 20 (Miyerkules), alas nuwebe ng umaga (9am) sa Aklatang Patricia Melendrez Cruz (APMC).

Attendance is a must.

Pag-uusapan rito ang rehearsal, ang mga impormasyon para sa inyong magulang, at ilan pang detalyeng mahalaga para sa graduating ceremonies ninyo sa Sabado. Kung may katanungan, hanapin sina Prop. Will Ortiz at G. Mykel Andrada (graduation marshalls) sa DFPP Office o di kaya'y magtext sa 0915-4413324 o mag-email sa manlabusaw@yahoo.com.

Maraming salamat!

Monday, April 04, 2005

Antolohiya ng Maikling Kuwento Hinggil sa Kilusang Paggawa

ANTOLOHIYA HINGGIL SA KILUSANG PAGGAWA

Inaanyayahan ang lahat ng mga manggagawa at mga manunulat na magsumite ng kanilang mga maikling kuwento para sa isang antolohiya hinggil sa Kilusang Paggawa sa Pilipinas, sa partikular, ang pagpupursigi ng Kilusang Mayo Uno at iba pang konektado rito, hinggil sa mga isyu ng manggagawa at sa pakikipagsapalaran, pakikibaka, at tagumpay ng Kilusang Paggawa sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang kolektibong pagkilos.

Nais taluntunin ng antolohiyang ito ang kasaysayan ng kilusang paggawa sa Pilipinas (at ang koneksyon nito sa pandaigdigang kilusang paggawa), ang mga isyu ng manggagawa tulad ng kontraktwalisasyon, subkontraktwalisasyon, “rationalization” ng mga ahensiya’t institusyon ng pamahalaan, relasyon ng kapitalista at manggagawa, relasyon ng mga manggagawa, unfair labor practices, sexual harassment sa pagawaan, mga personal (at pulitikal) na testimonya, at ang pagbubudyong ng vanguard class ng isang kolektibong pagkilos upang makamit ang tunay na kalayaan at demokrasya. At marami pang iba.

Itataon ang publikasyong ito sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, 2005. Kung kaya, inaasahan naming maipadadala ninyo ang inyong mga kontribusyong maikling kuwento tungkol sa at/o likha ng manggagawa sa Abril 13 (Miyerkules).

Ipadala sa mangiglap@yahoo.com. Kung may katanungan, magpadala ng email kina Joey Baquiran, Joi Barrios, Roland Tolentino o Mykel Andrada ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) ng UP Diliman o di kaya’y magtext sa 0915-4413324.

Maraming salamat!

Friday, April 01, 2005

Call 4 Submissions: Publikasyong-Iglap ng CONTEND on State Terrorism

PANAWAGAN PARA SA KONTRIBUSYON SA PUBLIKASYONG-IGLAP HINGGIL SA TERORISMO NG ESTADO

Ito na naman kami. Wag kayong mabibigla.

Ang publikasyong-iglap ng Congress of Educators/Teachers for Nationalism and Democracy (CONTEND) ay muling nananawagan at humihingi ng kontribusyon para sa isang aklat hinggil sa tumitinding atake laban sa mga progresibong indibidwal at grupo, sa partikular, sa Bayan Muna. Sa loob lamang ng walong araw, limang indibidwal ang tinambangan na – dalawang human rights lawyer, isang pesante, isang city councilor, at iba pa. Ito’y manipestasyon ng tumitinding terorismo ng estado laban sa mga tumutuligsa rito.

Ayaw na natin ng may susunod pa. Kaya heto ang abang kontribusyon sa mala-kisap-matang pagpaslang na nagaganap ngayon. Dahil ang isang iglap ng pagkitil – ang sistematikong maiglap na pagkitil ng estado – ay kailangan agarang tapatan sa pamamagitan ng iba’t ibang porma, isa na ang publikasyong-iglap. Ipadala ang inyong kontribusyon – tula, dagli (maikling-maikling kuwento), maikling kuwento, sanaysay, statement, titk ng awit at iba pang genre – para sa publikasyong iglap.

Dahil nga ito ay mabilisan, ang deadlayn o huling araw ng pagsusumite ay sa Abril 8 (Biyernes). Ipagpaumanhin ang maikling panahong inilalaan, dahil HINDI NA ITO MAKAPAGHIHINTAY PA!

Ipadala sa manlabusaw@yahoo.com. Kung may katanungan, hanapin sina Joey Baquiran, Joi Barrios, Roland Tolentino at Mykel Andrada, o tumawag / magtext sa 0915-4413324 o mag-email sa manlabusaw@yahoo.com.

Ang Publikasyong-Iglap ay proyektong kultural at pulitikal ng CONTEND na agarang tumutugon sa matitinding isyu ng panahon at lipunan. Makiisa!

Maraming salamat.